pasko na ngunit parang wala pa
anong araw na ba? bat ang lungkot pa.
anong oras na ba? bat nanatiling mag-isa?
pasko na nga talaga.
ilang buwan pa ba ang palilipasin?
ilang taon pa ba ang padadaain?
bat wala parin?
bat ang dilim?
wala ng ibang gusto.
kundi ang ikaw ay makasama ko.
makapiling kang muli mahal ko.
yan lang ang tanging hiling ko.
sinta, ako naba ay nakalimutan?
pasko na ngunit wala paring pinatunguhan.
ang pag-ibig kong alay na walang hanggan.
nasayang lang ang lahat na parang basahan.
o pasko na, pasko na.
wala na, wala nga.
No comments:
Post a Comment